Sunday, June 10, 2007

Kung Bakit Naging Yagit


Bawa’t luha’y pumatak
sa kanya kanyang titik-
‘di mapigilan, marahil
bugso ng damdamin.

Hindi namalayan
paglipas ng hapon-
gaya ng alala
at nasirang pangako.

Nilisan ang tahanan
nang walang pasubali,
simpleng pamamaalam
‘di man lamang sinambit.

Ang tanging hudyat
na kanyang natanggap:
ay mga pahiwatig,
nakasaad sa isang sulat.

Ngayon, tanging anino
ang kanyang kanlungan,
lawislis ng hangin
ang siyang duduyan.

Tunay na kay saklap
tadhanang nakamit…
hanggang kailan tatangis
ang ulilang paslit?

No comments: