Halimuyak ng sampaguita
ang simoy ng hangin,
may pahapyaw ring samyo
ng ilang-ilang.
Sa kawayan bumabaging
ang mga bulaklak:
nagyayapusan ang dilaw,
kahel at luntian.
Ang mga talutot na pumatak,
tinipon ng mga musmos:
binudburan ng bigas
at kaunting alikabok.
Ang karosa sa tapat
datirati’y kay amos
ngayong Sabado’y mapusyaw,
bughaw at may ningning.
Kasabay ng dambana,
kan’lang sinambit:
mga bulong na pangako
na tinuldukan ng halik.
Ito nama’y sinagot
ng mga kantsaw at palakpak;
habang ang mga bata,
sa pintuan, kumaripas.
Tapos na nga ang pag-iisa
simula na ng pista.
Silbato’y naging hudyat
sa pagdagundong ng tambol.
Inilatag ang sapin
sa laylayan ng gulong…
maging ang kabayo,
sa piging, may kugon.
2 comments:
Hi from Cava de' Tirreni (SA) - ITALY. GoodBlog and GoodLuck.
Hi Uromano. Thanks for dropping by... as you say in Italian. Grazie.
Post a Comment